
Oh z200 kung nilalangit,
Sa wari ko'y ang dami sayong nagagalit,
Dahil ba sa ika'y gawa lamang ng mqa intsik?
Na sa pag-unawa ng iba ay walang kwenta at laging titirik.
Ngunit sa aking pagmuni-muniy' aking napagtanto,
Na ang kanilang pagbibintang ay sadyang di totoo,
Sapagkat ang nalalaman nila'y galing lang sa mga taong tsismoso,
Na walang magawa kundi siraan at apihin ang mahal na z200 ko.
Kung sa pabilisan man ako ay laging napapag-iwanan,
Ng aking mga kasamang big bike o mapa-underbone man,
Sa aki'y walang kwenta at di importante yan,
Dahil alam kong sa puso ng mamamayan ako ang laging namber wan
Ngunit, subalit, datapwat ako'y nagpapasalamat,
Sa mga ganitong nilalang na laging sumusukat,
Sa tibay ng mahal kong z200 at sa budget kong swak na swak,
Kaya naman ang z200 ngayon sa bansa ay sikat na sikat,
At sa explorer philippines na lalong lumalawak
...
Ang tangi kong panawagan sa makakasilay ng aking tula,
Wag sanang magagalit o kaya'y wag sanang mabibigla,
Kung kayo may' tinamaan ng aking munting katha,
Sapagkat ako'y naboboring lamang at walang magawa
Ngunit kung ang puso nyo'y di mapigilan,
Kung nagpupuyos ang dibdib nyo dahil kayo'y tinamaan,
Bakit di natin idaan sa maboteng usapan,
O kaya'y daanin na lang sa masayang tulaan.
I, tenk yu... bow..